Dancing with delirium.
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

Entries for March, 2005

March 1st, 2005

tsubibong nagnanakaw ng mga pangarap
POSTED AT 03:37 PM

ano gusto namin? bagong buhay. - 12yr old kiddo/student/dreamer

isa sa encounters ko habang nagtuturo sa mga bata sa depressed area bandang UN:

tinanong ko lang naman kung san nila gusto pumunta para sa field trip nila. kung ano'ng gusto nila gawin. may iilang namimilit pumunta sa manila zoo. yung iba, ang gusto swimming. sa los baƱos daw. karamihan ang gusto sumakay sa tsubibo. carousel. roller coaster. sa enchanted kingdom naman yun.

pero ang batang yun, ibang klase ang trip. pabiro pa nga nung sinabi niya sakin yun e. nakangiting aso pa ha. pero belat niya. hindi niya ko maloloko. iba ang wika sakin ng mga mata niya. may lalim. alam ko, hindi lang yun isang pakyut na hirit ng isang nangungulit na estudyanteng pasaway.

minsan talaga, gawain lang nating daanin sa biro ang mga bagay na palagay natin, hindi na natin kayang baguhin pa o gawan ng paraan. kahit mga bata, na-master na din ata ang art na ito.


March 3rd, 2005

skipping forevers
POSTED AT 07:06 AM

hindi masarap ang burger at fries na kinain natin kanina.

kung kulang sa lasa,
o matamlay ang patatas
kung medium rare ang pagkakaluto sa patty
o masyadong mamantika
hindi ko mawari.

basta ang alam ko,
wala tayong imik kanina.
hindi tayo nagsalo sa iced tea
gaya ng lagi naman nating ginagawa dati.

tila
mas nabusog pa tayo
sa
mga
buntonghininga
ng isa't isa.


nakakatawa. may nag-pm saken kanina sa ym. tinatanong kung papakasal na daw ba ko kase may aning na nagkakalat ng chismis na ganun nga daw. haha. shetttt ang showbis showbis ng mundo! Currently listening to: the bean curve- twisted halo


March 6th, 2005

parisukat.
POSTED AT 07:33 AM

Hindi ka kayang sagipin ng sinasabi mong perfect timing.


March 10th, 2005

go ahead & prick my invisible bubble. if you can.
POSTED AT 10:39 AM

you can never really know a person that much. never.

kalokohan ang sabihing kilala mo na talaga ako ng lubusan.

Currently listening to: my quant-t prof barking.


March 19th, 2005

because lately, words seem to evaporate quickly.
POSTED AT 07:37 AM

Currently listening to: acrid placidity- meshuggah


March 23rd, 2005

my name is luka and i live on the second floor.
POSTED AT 11:53 AM

nakakapagod kaseng makinig sa prof mong hindi mo alam kung fit ba talagang maging prof, o mas fit magpastol ng tupa. ay bad bad.

Currently reading: lyrics ng further seems forever


March 29th, 2005

Feel me sink.
POSTED AT 04:17 AM

"lahat ng tao, may kanya-kanyang baho, kanya-kanyang istorya, iba't ibang sikreto. minsan mas maganda pang magtago na lang sa anino... dahil pag lumabas ka pa sa selda mo, baka isuka ka lang ng tao. kaya tara na... kung gusto niyo, magtaguan tayo." - Taguan

Currently feeling: ayoko na ng gento.


March 31st, 2005

she's on a maternal leave. permanently.
POSTED AT 10:36 AM

sabi ko nun, gusto ko ng lalakeng may passion for something. anything. pero ngayon, ni-revise ko na. kung ang magiging passion lang din naman niya eh yung pagbabanda niya, magbanda na lang siya habambuhay. mahirap kakompetensiya ang banda, lalo na kung yun at yun lang ang passion niya.





sinagtala
your name:

url:

your message: