Dancing with delirium.
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

Entries for October, 2004

October 6th, 2004

dancing asterisks
POSTED AT 10:47 AM

oo na. maganda ka na. hindi mo kelangan ipagsigawan, nakakabingi e. kelangan mo bang mag-fish for compliments lagi? e magsuot ka na lang kaya ng higanteng name plate na nakalagay na *sambahin niyo ko dahil makalaglag panty ang ganda ko*? er. to quote that cute little kid from Little Rascals- i hate your stinking guts. you make me vommit.


o siya, hindi na nga ako maaasar. yan lang naman meron ka e. ganda mo. woohoo.


October 8th, 2004

sa 15th floor.
POSTED AT 02:33 AM

kaya gusto kong sa totoong bahay nakatira e. dinuduyan ako ng himig ng mga patak ng ulan sa bubong na yero. ang sarap pakinggan. e dito, sa tinitirhan ko? patay ang ulan. matamlay. para kang nanonood lang pantomime.


ka-te and leopoldo
POSTED AT 07:48 AM

ang kulit ng tatay ko. pramis. magkateks kame nung isang araw..

ako: papi, wer 4 art thou?
tatay: stil here in that place of d earth called pampanga. but im on my way to wer thou art.
ako: wat tym wil thy b hir? shall we wait 4 thee?
tatay: go forth 4 tym knows me not.


haha. yun lang.


October 10th, 2004

brewed coffee (refillable) --- P30
POSTED AT 05:12 PM



=D Currently listening to: This is not an EXit ng Saves the Day
Currently reading: By The River Piedra I Sat Down and Wept


gusto ko yung salitang DEVOUR.
POSTED AT 06:05 PM

nakakainis kase kelangan ko gumising ng ala sais ng umaga mamaya tas alas dos na hindi pa ko tulog kase tila ang ilap-ilap ng antok saken (nakakabadtrip) tas wala naman akong ginagawang makabuluhan ngayon na para bang tinatapon ko lang ang bawat minutong pumapatak kaya wag na lang kaya ako pumasok sa persabjek ko mamaya na wala namang naidudulot saking maganda kase gumigising ako ng maaga tuwing mwf para lang sa klaseng yon tas wala naman akong natutunan kase puro kwento lang tungkol sa buhay niya ang inaatupag ng prof kong sinasayang ang mga oras na dapat itinutulog ko pa para tumaba-taba naman ako kahit konte dahil kahit anong purga ko e hindi talaga ko magkalaman (pero ayos na rin siguro yon.) ano ba `to, ano ba `to, pakshet, nakakagago.


October 11th, 2004

electrical confusion
POSTED AT 09:21 AM


yes, this is more than just a happy meal. Currently listening to: Reroute to Remain- In Flames
Currently reading: By The River Piedra I Sat Down and Wept


October 13th, 2004

Last night, i stopped chasing AFTER my dreams.
POSTED AT 02:12 AM

the eyes are suckers for things beautiful. we are given a sound mind so as not to be drowned in the alchemy of deception, for there are pleasant things which are hollow and rash inside.


nerds
POSTED AT 02:28 AM

what have i done wrong?

1. ayaw na mag-on ng selepono ko, magtatatlong araw na.
2. sira ang keyboard ko.
3. kakakanta ng Paranoid (ng garbage), nawala sa isip kong ilagay sa bag ang susi ko bago pumasok. masyado ata akong nahumaling sa boses ko. hindi ko pa alam kung pano ako makakapasok sa tinitirhan ko mamaya. woohoo.
4. P240 na lang ang laman ng wallet ko. good for three days ito. gudluck.
5. bagsak ang first long quiz ko sa isang major subject. ayos.

ano pa kayang kamalasan ang naghihintay saken? nire-ready ko na ang sarili ko.


October 15th, 2004

RUN sabi ni kitchie nadal.
POSTED AT 06:33 AM

all im losing is me










...


October 18th, 2004

limited edition ka kase
POSTED AT 02:01 AM

too much coffee can leave you either sober, high or worse, longing.

nalunod ako sa kape nung isang araw. actually, dalawang araw yun. naka-sampung cups ako, and to think hindi talaga ko mahilig sa kape. mahilig ako sa coffee shops, pero hindi sa kape. kaya ayun. dahil nga ipinanligo ko ang kape, kung anu-ano tuloy ang pumasok dito sa malikot kong kukote.. sinabayan pa ng kung anu-anong kabalbalang nangyari nung araw na yun. hohum. Currently feeling: labo-labo, gulo-gulo.


October 20th, 2004

keep off the grass.
POSTED AT 04:06 PM


shipwrecks and discount coupons.
POSTED AT 04:48 PM

it was nice to see familiar faces again last night in km64's poetry reading, especially since i haven't been much of a people person lately. although i am not fond of reading my poems out loud to the world, i delight in watching others recite theirs. i delight in watching others perform poetry. it leaves me in awe. it stings me like a bee. it makes me realize that there are there are so much things lying in the vast nothingness that my eyes cannot see, although they remain wide-open.. Currently listening to: alone ng burning angels =D
Currently reading: By The River Piedra I Sat Down and Wept


October 25th, 2004

Forecasting Nevers.
POSTED AT 02:10 AM

*after-bath*

Trapped I was
As you trespassed the vast of my nothingness.
As if lost in the wilderness,
You were tiny pockets of water navigating my flesh
Clattering down
While I took my midnight shower.
Placid are your little steps,
Your glide, nonchalant.

But where does this end?
A path that leads to the inevitable well of surrender
Where dead are one’s daydreams
And numb are one’s desires.
Everything disappears in midair
Like stares that get lost in the atmospheric traffic jam.
Everything disappears.
There is only the immortality of you and me.

The flashlight is pointing only towards our direction
And everything else seems to be pitch black.
Yes, even the purple rain
Even the yellow enchantment.

Everything disappears.

But this is not mundane.
For unlike other explorations
Unlike other voyeurs
This does not end.
Not with ill-call-you-soons.
Not with kiss-me-goodbyes.

This does not end.

It only goes back to when you first became a dweller of my own flesh.
A fly feeding on my shit,
And I,
On yours.


October 27th, 2004

yuck daw ang clothes sa ukay-ukay. (ULuL)
POSTED AT 05:19 AM

late na naman ako sa 810am na klase ko kanina. nagising ako ng 714, at paspasang naligo ng nakapikit. tulog pa kase ang mga nag-gagandahan kong mga mata. they are to blame. na-late tuloy ako ulet, for the nth time.

at kung kelan naman ako nagmamadali, saka naman kamalas-malasang nasira ang mrt. train delay lang daw. kaya ang inestimate kong pagkalate ng 22mins lang e inabot ng tumataginting na 35mins. shettt talaga. to think na isang oras lang ang klase ko.

at tamang may nagteks pa sakin neto:

"San ka na? D2 na me rm."

mababaw lang siguro kong tao, pero naiirita talaga ko sa me na yan. pwede namang ako na lang ang ilagay, isang letra lang naman ang idadagdag. kelangan pa talaga yung mega-pacute na me. pwede ba, hindi sha cute. utang na loob. hindi talaga.

ayun. ang ending e nakapasok ako ng 840 na. at ang panalo dito, wala palang gagawin. binigyan lang kami ng readings at yun na yun. pwede ka nang tumambling-tumbling sa room.

nag-ukay-ukay pala ko bago umuwi. kaso wala kong nabili. P150 kase yung gusto kong iskert e. kaso, P100 na lang laman ng wallet ko. olats. Currently listening to: APathy is a clod body- POIson the well


ang sarap ng tugma.
POSTED AT 07:02 AM

nilansing ng
karagatan
si haring araw.
kaya't sa
saliw ng musikang
tanging sila lang
ang may alam,
saksi ang kawalan
sa pagtatalik nilang
sadya namang
nakatadhana na.

inalay
ng araw
kanyang sarili
sa karagatan.

kinumutan ng dilim ang
sanlibutan.


October 28th, 2004

who said you can't fly?
POSTED AT 04:52 AM

i'm a loser baby, so why don't you kill me?





. Currently listening to: doll's head- the late isabel


stop, look, and look again.
POSTED AT 03:07 PM


minsan, malungkot lang talaga kumain mag-isa. napakuha tuloy ako ng camera at nagpekchur pekchur na lang.


pasawayyy.


ang bebi sa aming pemili =D Currently listening to: alarm ng eskandalosang kotse sa parking lot



sinagtala
your name:

url:

your message: